Experience File page2



File 0110: Eloisa (from Facebook)



Question:

Pwede po bang mag paulit ng birth certificate, sira na kasi yung original copy ko

Answer:

Yes, pwede kang makakuha ng NSO record ng birth certificate mo kahit ilang ulit mula sa NSO.



File 0111: Zander (from Twitter)



Question:

Matagal po ba proseso ng endorsement sa NSO? Kasi magpapatransfer sana ako ng birthplace po. Sa Cabugao ako pinanganak eh sa San Juan ako nakarehistro. Matagal po ba proseso?

Answer:

Transferring of record, Mukhang malabo mangyari yang gusto mo, kung saan ka kasi naka-rehistro it means dun ka pinanganak and dun ka pina-rehistro ng parents mo. Subukan mo pa rin mag-inquire sa local civil registrar ukol dito.



File 0112: Sam (from Facebook)



Question:

Ask ko lang po may original copy po ako nang birth certificate nang anak ko, bakit po nang kukuha na siya sa NSO hindi daw naka register ang anak ko?

Answer:

Negative certificate ang nirelease sa inyo ng NSO kapag walang record. Yung negative certificate, kailangan na dalhin sa munisipyo kung saan naka-rehistro ang anak mo para makita nila na hindi pa nila nai-forward ang birth certificate record ng anak mo sa NSO, then sila na ang mag-forward ng copy ng birth para magkaroon ng record sa NSO.



File 0113: Michelin (from Facebook)



Question:

Paano pag may mali sa letter ng family name? Isang letter lang po paano po mapapaayos yun?

Answer:

Mag-file ka ng correction of entry sa munisipyo kung saan naka-rehistro ang birth certificate mo, usually kailangan ng munisipyo dito ay ang NSO birth mo na may maling spelling, NSO birth ng father mo to prove ang corrected spelling dapat ng last name mo and ang iba pang requirements ,munisipyo na ang mag advice sa iyo kung anu-ano pa.



File 0114: Nel-Nel(from Facebook)



Question:

Tapos na yung process ng Change of Gender ko sa LCR ang sabi sa akin kuha na ako ng copy sa NSO, meron na kaya yun?

Answer:

Kung tapos na ang process ng CHANGE OF GENDER sa LCR, may Finality Report na ibibigay ang LCR sa iyo kasama ng Courier Receipt. Kailangan mong pumunta ng NSO Office dala ang documents na ito at mag request ng NSO CORRECTED copy ng birth certificate mo. REMEMBER: sa NSO Office lang dapat magrequest ng first corrected copy dala ang finality report and courier receipt.



File 0115: Eco (from Twitter)



Question:

How many days po ang processing kapag Late Registration?

Answer:

Mabilis lang naman ang process ng late registration basta kumpleto na ang requirements na kailangan ng munisipyo, usually 1 day mare-rehistro kana. Ang medyo matagal dito ay yung magkaroon ka agad ng record sa NSO, usually 2 to 3 months kung narehistro within Metro Manila, 6 months kung outside Metro Manila bago magkakaroon ng record sa NSO.



File 0116: Celine (from Facebook)



Question:

Hello po halimbawa tulad po sa akin dito kasi ako sa Quezon hindi po pwede dito nalang ako sa Lucena magpagawa ng Late Registration. Kasi wala na akong magulang Bicol po ako pinanganak pero dito sa Quezon lumaki at nag-aral hindi po pwede dito nalang ako magpagawa kung sakali nakuha ko yung mga requirements? Salamat.

Answer:

Pwede naman, pero usually kasi ang pinapayagan sa OUT OF TOWN LATE REGISTRATION ay yung mga tao na botante na sa lugar and talagang matagal ng residence sa lugar, at depende sa approval pa ang munisipyo. Pwede ka namang mag inquire sa munisipyo, then kung hindi pwede sa kanila na dun ka magpa-rehistro kailangan na sa munisipyo na talaga kung saan ka pinanganak mag-file ng late registration.



File 0117: Lester (from Facebook)



Question:

Ang labo ng NSO birth certificate na nakuha ko, hindi mabasa sa sobrang labo. Wala na atang ink ang printer.

Answer:

Hindi printer ng NSO ang may problema kapag malabo ang NSO copy na nakuha mo. Kapag ganyan ang case ang Local Civil Registrar (LCR) or munisipyo kung saan ka naka-rehistro ang nag-forward sa NSO ng malabong copy ng NSO document mo. Kung ano ang nai-forward na copy ng LCR iyon din ang ilalagay ng NSO sa kanilang records. Pumunta sa munisipyo at tignan ang record mo doon. Kung malinaw yun, magrequest na mag-endorse muli sa NSO para maayos and NSO copy mo.



File 0118: Diana (from Facebook)



Question:

Nagpa-correct ako ng NSO birth certificate ko sa munisipyo namin, may binigay silang Finality Report at resibo ng courier, pwede na ba akong mag-request ng corrected copy thru NSOhelpline?

Answer:

Hindi pa pwede na sa delivery kumuha ng 1st copy ng corrected NSO birth certificate. Kailangan na personal process ito sa NSO office mismo. Dadalhin mo yung personal copy mo ng Finality report at resibo sa NSO office (usually sa NSO East Ave. QC area B) magbabayad ng P140 para sa corrected copy ng document then babalikan na lang sa releasing. Kapag meron ka ng 1st corrected copy from NSO, kung kailangan mo pa ng susunod na kopya, pwede na sa NSOhelpline kumuha, yung 1st copy lang talaga ang hindi pwede.

 

< Back: